Isang online na publikasyon na itinatag para sa DSPC 2025, na nakatuon sa paghahatid ng makatotohanang balita, matalinong pananaw, at malikhaing mga akda. Bilang mga kabataang mamamahayag, pinanghahawakan namin ang katotohanan bilang gabay sa bawat ulat at disenyo. Naniniwala kami na sa panahon ng mabilis na pagbabago, ang tumpak na impormasyon ay sandigan ng maunlad na lipunan. Sa bawat kuwento, layout, at ilustrasyon, layunin naming ipakita ang lakas ng tinig ng kabataan — makabago, mapanuri, at may paninindigan. Sapagkat para sa amin, ang bawat pahina ay boses ng katotohanan, at ang katotohanan ang tanglaw tungo sa bukas na mas maliwanag.



