
Husay at determinasyon sandigan ng koponan.
Malapader na depensa at mapanlinlang na galawan ang naging susi kung bakit nagawang gulantin ng Tanauan National High School Team Blue ang Tanauan National High School Team Maroon sa iskor na 7-5, sa limang minutong pakitang laro ng 3×3 Basketball, sa Assumption Academy Inc. basketball court, Nobyembre 13.
Bumida si Paul James Sumile ng Team Blue nang siya ay kumolekta ng apat na puntos, dalawang 1pt shot, isang 2pt shot, tatlong rebound at dalawang assists na naging sandigan ng koponan upang gupuin ang Team Maroon.
Hindi naman nagpahuli si Ritch Mendigo ng Team Maroon kung saan siya ay kumimkim ng isang 1pt shot, isang rebound at dalawang assists.
Kaagad na umiinit ang tensyon sa magkabilang panig kung saan, ibinandera ni Carlo Destrajo ang kaniyang galing ng siya ang unang makapuntos para sa koponang Maroon, 1-0, sinubukang tumapat ng Team Blue subalit bigo ng pumalya ang tira ni Clevhin Telimban.
Tuloy-tuloy pa ang pangunguna ng koponang Maroon sa sunod-sunod na tirada ni Estoya, subalit makaraan ang ilang minuto nagsimulang magbago ang ihip ng hangin ng agarang bumulusok si Sumile ng 2 pts shot na ginatungan pa ng tirada ni Telimban, 4-5.
Muling uminit ang tensyon sa pagitan ng bawat panig ng hinigpitan ng bawat koponan ang kanilang depensa’t opensa, nagawa pang maipako ni Mendigo ang puntos sa 5-5 nang magawa niyang malusotan ang mahigpit na depensa ng Team Blue, subalit hindi na nagawang humabol ng Team Maroon sunod na tumirada si Sumile at Catandijan na tuluyang nagpalubog sa Team Maroon, 7-5.
“Proud ako sa aking sarili,” ani Sumile pagkatapos ng laro.


Leave a Reply