Lakbayin ang Tirada ng Pangarap

DIWANG MAY TIYAGA, ATLETANG MAY TIWALA. Sumile bilang simbolo ng atletang may pusong matiyaga. Kuha ni JENELYN R. TAGALOG.

Kung may tiyaga ay nilaga.

Ang popular na mga katagang iyan ang kaniyang naging sandigan sa pagpupursige sa paglalaro ng basketball bitbit ang kaniyang matayog na pangarap.

Siya’y ipinanganak noong Enero 30, 2008 sa Palo Leyte. Isang estudyanteng atleta na patuloy na nag-eesanyo sa kabila ng mga hamon na kaniyang kinakaharap sa paglalaro ng basketball. Ang kaniyang lolo ang nag-udyok sa kaniya na pumasok sa larangan ng basketball, kung saan siya ay nakitaan ng potensiyal dahil sa kaniyang angking tangkad at bilis.

Elementarya pa lamang nang siya ay nagsimulang maglaro ng basketball, sa edad na 12 anyos siya ay nagsimulang sumali sa mga liga sa kanilang lugar. Sa kaniyang pagtungtong ng High School siya ay napabilang sa mga opisyal na atleta ng Tanauan National High School. Kahit gaano man kahirap ang pag-eensayo siya ay hindi sumuko, bagkus, siya ay mas naging determinado at matiyaga sa pag-eensayo.

“Lagi lamang magtiyaga sa pag-eensayo at dapat mayroon kang disiplina sa sarili.

Isa siya sa mga manlalaro na nakipagsagupaan noong nakaraang Area Athletic Meet 2024, dahil sa kanilang husay at determinasyon nasungkit nila ang medalyang pilak. Bigo mang maiuwi ang ginto sa nakaraang Area Meet, siniguro naman nilang masusungkit ang gintong medalya sa Area Athletic Meet 2025.

Pagpupursige sa pag-eensayo ang naging sandata nila sa paghahanda upang matapos ang Provincial Athletic Meet 2025 nitong Nobyembre 9-13 kung saan sila ang naging kinatawan ng Burauen Area II-B, dito muli nilang naiuwi ang pilak.

“Lagi lamang magtiyaga sa pag-eensayo at dapat mayroon kang disiplina sa sarili,” Saad ng 17 anyos na si Paul James Sumile ng Tanauan National High School, nang tanungin kung ano ang naging susi ng kanyang pagkapanalo.

Leave a Reply

Designed with WordPress

Discover more from DSPC DIWA

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading