
Nagsagawa ang Division Schools Press Conference 2025 ng Min Press Conference na nilahukan ng mahigit-kumulang 21 na kalahok sa kategoryang Online Desktop Publishing (ODP) na nagmula sa mga paaralan ng Area 1, Area 2A, Area 2B, Area 3, Area 4, Area 5A at Area 5B na ginanap nitong Huwebes, ika-13 ng Nobyembre.
Layunin ng naturang kaganapan na makita ang kakayahan ng mga kabataang mamamahayag sa pakikinig, pagkuha ng larawan at pagkuha ng mga impormasyon na kanilang gagamitin sa pagsulat ng balita, editoryal at lathalain, bukod dito, naging bahagi rin ng nasabing pagtitipon ang pangunahing tagapagsalita na nagbigay ng inspirasyon sa mga mamamahayag.
“Today, I learned that social media is not just a powerful mirror but a powerful tool to tell the truth not to convince,” ito ang ipinahayag ng pangunahing tagapagsalita na si Patricia Moreto sa kanyang panayam.
Matapos magbahagi ng panayam ang pangunahing tagapagsalita, kuryoso siyang binato ng mga katanungan ng mga mamamahayag kung paano niya nakamtan ang kaniyang mga karangalan sa sa murang edad.
Habang ginaganap ang Mini Press Conference makikita ang pagiging responsable ng mga kabataang mamamahayag kaugnay sa kani-kanilang tungkulin sa larangan ng pamamahayag at para sa kanilang pangkat.


Leave a Reply