Social Media should be a platform for inspiration- Moreto

HUWARANG DALUBHASA. G. Florencio Aguilos Jr., nagbahagi ng talumpati sa Mini-Press Conference sa ASPC ’25, Huwebes, Oktubre 16. Kuha ni JARF GUIDE G. RAAGAS.

“Social Media should not be a platform for validation, it should be a platform for inspiration.”

Ito ang binigyang-diin ng pangunahing tagapagsalita na si Patricia Moreto, isang social media influencer, dating mamamahayag at sa kasalukuyan ay isang maganda at matalino modelo sa kaniyang panayam sa ginanap na Mini-press Conference ng Division Schools Press Conference nitong Huwebes, ika-13 ng Nobyembre.

“My digital space is a platform to inspire the others, especially the younger generations who thinks they are not enough,” dagdag pa niya.

Ipinahayag din ni Moreto na nagsimula siya sa larangan ng pagiging isang social media influencer sa edad na 17 na taong gulang, dagdag pa rito, ipinabatid rin niya na makakamit mo ang iyong mga pangarap sa buhay kung ikaw ay hindi  makikinig sa mga negatibong bagay o salita na iyong masasalamuha mula sa ibang tao.

“I want them to scroll through my social media accounts to be inspired,” pagpapaalala pa niya.

Bukod pa rito, umaasa siya na gagamitin ng mga tao sa tamang paraan ang social media upang makatulong sa kapuwa tao lalo na ang may pinagdadaanan na problema sa buhay na hindi nila kayang ipagsabi.

“Social Media is not just a powerful mirror but a powerful tool to tell the truth not to convince,” pagwawakas niya.

Leave a Reply

Designed with WordPress

Discover more from DSPC DIWA

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading